Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama
Alam natin ang tama, ‘bat di natin ginagawa?
Paulit-ulit nalang na ito ang bagong simula
Simula ng simula bakit walang natatapos?
Atras abante lagi, pudpod na swelas ng sapatos
Ilang beses nangako, ilang beses napako
‘Bat di natin subukan at tulungan at umako
Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
Pag tayo'y nagsama-sama lahat ay malalampasan
May masmaayos na bukas para sating mga anak
Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota wag na tayong magpauto
Na satin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
Nanggigigil mong itigil ang pag pagsisi sa sutil
Na nasa pwestong di kana kilala kapag siningil
Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
Kung di tayo kumbinsido wag na nating ihalal
Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)
Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)
DAPAT TAMA!
Itama natin ang gabay, wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
Malakas na boses sabay-sabay mangako
Itama natin ang gabay, wag na tayong mag reklamo
Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
Malakas na boses sabay-sabay mangako
Kung walang magpapaloko
Wala nang mangloloko
Ang mga bontanteng Pilipino ay di mga bobo
Lumiyab pag madilim, ituwid ang tiwali
Di ganon kasimple to, di kailangang magmadali
Ang tiwalang inagaw sa tao ng maneng-mane
Kahit saan natin pilitin at tigna'y maling-mali
Umahon sa kahirapan, at lumangoy sa kumunoy
Kahit ano pang iharang at tumuloy ng tumuloy
Pagdating ng eleksyon ito ang dapat na panata
Isulat ang kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama
At sa araw na napakabihira lang dumaan
Dapat sa may katuturan, wag kang mag-aalangan
Na hawakan ang lubid na siyang nagsisilbing tulay
Gisingin natin ang tulog, tuloy tuloy na mag-ingay
Nang malaman ng lahat sumugaw sabay-sabay
Kinabukasan ng bayan ay na sating mga kamay
Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)
Dapat tama
(Sa isip at sa salita)
Dapat tama
(Lalong lalo na sa gawa)
Dapat tama…
(Sama-sama nating itama ang mali)
Dapat tama
(Nang ang bayan natin makabangon muli)
DAPAT TAMA!