Steve Jablonsky - Shockwave's Revenge lyrics

Published

0 171 0

Steve Jablonsky - Shockwave's Revenge lyrics

Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot Sa katanungang harap-harapang iaabot Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik Dapat tama Alam natin ang tama, ‘bat di natin ginagawa? Paulit-ulit nalang na ito ang bagong simula Simula ng simula bakit walang natatapos? Atras abante lagi, pudpod na swelas ng sapatos Ilang beses nangako, ilang beses napako ‘Bat di natin subukan at tulungan at umako Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan Pag tayo'y nagsama-sama lahat ay malalampasan May masmaayos na bukas para sating mga anak Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak Na pangalan sa balota wag na tayong magpauto Na satin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo Nanggigigil mong itigil ang pag pagsisi sa sutil Na nasa pwestong di kana kilala kapag siningil Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal Kung di tayo kumbinsido wag na nating ihalal Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot Sa katanungang harap-harapang iaabot Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik Dapat tama (Sa isip at sa salita) Dapat tama (Lalong lalo na sa gawa) Dapat tama… (Sama-sama nating itama ang mali) Dapat tama (Nang ang bayan natin makabangon muli) Dapat tama (Sa isip at sa salita) Dapat tama (Lalong lalo na sa gawa) Dapat tama… (Sama-sama nating itama ang mali) Dapat tama (Nang ang bayan natin makabangon muli) DAPAT TAMA! Itama natin ang gabay, wag na tayong mag reklamo Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko Malakas na boses sabay-sabay mangako Itama natin ang gabay, wag na tayong mag reklamo Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko Malakas na boses sabay-sabay mangako Kung walang magpapaloko Wala nang mangloloko Ang mga bontanteng Pilipino ay di mga bobo Lumiyab pag madilim, ituwid ang tiwali Di ganon kasimple to, di kailangang magmadali Ang tiwalang inagaw sa tao ng maneng-mane Kahit saan natin pilitin at tigna'y maling-mali Umahon sa kahirapan, at lumangoy sa kumunoy Kahit ano pang iharang at tumuloy ng tumuloy Pagdating ng eleksyon ito ang dapat na panata Isulat ang kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama At sa araw na napakabihira lang dumaan Dapat sa may katuturan, wag kang mag-aalangan Na hawakan ang lubid na siyang nagsisilbing tulay Gisingin natin ang tulog, tuloy tuloy na mag-ingay Nang malaman ng lahat sumugaw sabay-sabay Kinabukasan ng bayan ay na sating mga kamay Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot Sa katanungang harap-harapang iaabot Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik Dapat tama (Sa isip at sa salita) Dapat tama (Lalong lalo na sa gawa) Dapat tama… (Sama-sama nating itama ang mali) Dapat tama (Nang ang bayan natin makabangon muli) Dapat tama (Sa isip at sa salita) Dapat tama (Lalong lalo na sa gawa) Dapat tama… (Sama-sama nating itama ang mali) Dapat tama (Nang ang bayan natin makabangon muli) DAPAT TAMA!

You need to sign in for commenting.
No comments yet.