Lalabas na muna 'ko ng bahay magpapahangin lang
Maya maya pa't mababawasan ang tinik sa kalamnan
Dati-rati sa tuwing tayo'y may tampuhan lambingan ang sagot sa daan
Anong nangyari, laging sinasabi "Pag-ibig na walang hanggan..."
Ganyan ba talaga sa una, ibang kislap ng mga mata
Ngunit habang tumatagal ay konting kibo't naiinis na
Pumapangit ang ating itchura bumibilis sa pagtanda
Tuldok na insidente lalong gumagrabe, tiwala ay naging bula
Dumidilim ang langit
Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon
Isulat na natin ang wakas sa huling pahinang babasahin
Wala nang aatras, sabihin ang dapat aminin
Pasensya ka na di naibigay ang lahat sayo
Sabay huminga, sumisikip na ang mundo
Dumidilim ang langit
Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon
Huli na ang lahat sa atin
Palayo na ang tugon
Matayog na ang puno
Ngunit ugat nama'y nalason
Huli na ang lahat
Malaya ka na, malaya narin ako
Malaya ka na, malaya narin tayo