Lalabas na muna 'ko ng bahay magpapahangin lang Maya maya pa't mababawasan ang tinik sa kalamnan Dati-rati sa tuwing tayo'y may tampuhan lambingan ang sagot sa daan Anong nangyari, laging sinasabi "Pag-ibig na walang hanggan..." Ganyan ba talaga sa una, ibang kislap ng mga mata Ngunit habang tumatagal ay konting kibo't naiinis na Pumapangit ang ating itchura bumibilis sa pagtanda Tuldok na insidente lalong gumagrabe, tiwala ay naging bula Dumidilim ang langit Huli na ang lahat sa atin Dumating na ang panahon Diligan mo man ang damdamin Di na lalago mga dahon Isulat na natin ang wakas sa huling pahinang babasahin Wala nang aatras, sabihin ang dapat aminin Pasensya ka na di naibigay ang lahat sayo Sabay huminga, sumisikip na ang mundo Dumidilim ang langit Huli na ang lahat sa atin Dumating na ang panahon Diligan mo man ang damdamin Di na lalago mga dahon Huli na ang lahat sa atin Palayo na ang tugon Matayog na ang puno Ngunit ugat nama'y nalason Huli na ang lahat Malaya ka na, malaya narin ako Malaya ka na, malaya narin tayo