A-beinte k'watro ng disyembre, alas nuebe ng gabi
Hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa
Tatapat sa bahay-bahay, mangungulit, mag-iingay
Iipunin ang bigay para mamaya may tagay
Karoling ang saya-saya namin
Sa bawat awitin at simoy ng hangin
O karoling simbulo ng pagka-inipin
Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating
Habulan na nga sa tono, hahabulin pa ng aso
'Pag tsik ang nasa bintana harana ang sadya
Okey lang kahit patawad o inumin na lapad
Tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami
Karoling ang saya-saya namin
Sa bawat awitin at simoy ng hangin
O karoling simbulo ng pagka-inipin
Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating
Ang aming pagbati sana ay manatili
Ang kaligayahan n'yo kahit hindi pasko