Siakol - Karoling lyrics

Published

0 3307 0

Siakol - Karoling lyrics

A-beinte k'watro ng disyembre, alas nuebe ng gabi Hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa Tatapat sa bahay-bahay, mangungulit, mag-iingay Iipunin ang bigay para mamaya may tagay Karoling ang saya-saya namin Sa bawat awitin at simoy ng hangin O karoling simbulo ng pagka-inipin Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating Habulan na nga sa tono, hahabulin pa ng aso 'Pag tsik ang nasa bintana harana ang sadya Okey lang kahit patawad o inumin na lapad Tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami Karoling ang saya-saya namin Sa bawat awitin at simoy ng hangin O karoling simbulo ng pagka-inipin Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating Ang aming pagbati sana ay manatili Ang kaligayahan n'yo kahit hindi pasko

You need to sign in for commenting.
No comments yet.