Ser, baka pwede nating pag-usapan
Ang aking kasalanan baka pwedeng kalimutan
Sa bawat sulok ng aming lipunan
Dito halos lahat, nababayaran
Pabor kay ganito pabor kay ganyan
Kapalit ng tulong nagpatong na utang
Pagdating ng singilan
Utang na loob ang kabayaran
Nasaan na ang mga bayani?
Tuluyan na silang nabaon sa nakaraan
Pagtangis ng aming bayan
Dama ng aming kalooban
Pelikula't politika tila iisa
Matira ang matibay, karnabal na sistema
Lahat gustong bumida, magpaikot ng istorya
Sa aming paningin lahat ay kontrabida
Nauulol tumatahol, bumubula ang laway
Lumalabas ang pangil, tumutubo ang sungay
Espadahan ng salita, sino ang kawawa?
Lahat daw sila ay tama, lahat kami kawawa
Naturingan kang may pinag-aralan
Ngunit bakit ikaw ang dahilan ng kaguluhan?
Nais lang naman ni Juan mabuhay ng karaniwan
May kasaganahan at bubong na masisilungan
Para saan ang sinumpaan kung babaliin din naman
Masakit isipin nabababoy ang bayan na kinalakihan
Nilagay mo ang kamay sa tapat ng yong puso
Sabay sabi mo pa ang mamatay ng dahil sa yo
Pagtangis ng aming bayan
Dama ng aming kalooban
Masasagip ka ba?