Ser, baka pwede nating pag-usapan Ang aking kasalanan baka pwedeng kalimutan Sa bawat sulok ng aming lipunan Dito halos lahat, nababayaran Pabor kay ganito pabor kay ganyan Kapalit ng tulong nagpatong na utang Pagdating ng singilan Utang na loob ang kabayaran Nasaan na ang mga bayani? Tuluyan na silang nabaon sa nakaraan Pagtangis ng aming bayan Dama ng aming kalooban Pelikula't politika tila iisa Matira ang matibay, karnabal na sistema Lahat gustong bumida, magpaikot ng istorya Sa aming paningin lahat ay kontrabida Nauulol tumatahol, bumubula ang laway Lumalabas ang pangil, tumutubo ang sungay Espadahan ng salita, sino ang kawawa? Lahat daw sila ay tama, lahat kami kawawa Naturingan kang may pinag-aralan Ngunit bakit ikaw ang dahilan ng kaguluhan? Nais lang naman ni Juan mabuhay ng karaniwan May kasaganahan at bubong na masisilungan Para saan ang sinumpaan kung babaliin din naman Masakit isipin nabababoy ang bayan na kinalakihan Nilagay mo ang kamay sa tapat ng yong puso Sabay sabi mo pa ang mamatay ng dahil sa yo Pagtangis ng aming bayan Dama ng aming kalooban Masasagip ka ba?