Ako Po'y Isang Bata Na Nananawagan Sa Pamahalaan Na Linisin At Pagandahin Ang Ating Kalikasan Ito'y Hindi Lamang Saking Pananawagan Kundi Ito Ay Para Sa Lahat. Maraming Salamat Po Nakakalasong Kemikal Ng Mga Pabrika Sa Daming Pwede Mong Tapunan Bakit Ba Sa Ilog Pa Pati Mga Basura Nakakalat sa Kalsada Kaya Tao Sa Paligid Ay Naaantala At Kapag Nandyan Na Ang Mga Trahedya Nadadamay Pa Mga Taong Walang Sala At Tuwang Tuwa Ang Mga Taong May Gawa Na Sumisira Sa Kaloob At Kanyang Mga Biyaya At Puputol Lang Ng Puno Sobrang Dami Pang Kumuha Ayaw Pa Tumigil Gusto Pa Nilang Manira Kapag Ikay Gumawa Sa Kanya Ng Masama Ikay Magdudulot Ng Poot Sa Iyong Kapwa At Kailan Pa Ba Matatapos Ang Problema Kapag Wala Ka Ng Mahal Sa Buhay At Kasama Kaya Magsisi Ka Na Habang May Panahon Pa Dahil Pagdating Din Sa Huli Ikaw Ay Magsisisi Ka Chorus hanggang kailan ba magtatagal ang pagpapahirap mo di kaba kontento sa mga biyayang natatanggap mo di mo ba nararamdaman ang unti-unting pag-init ng mundo kung ayaw mo nang maranasan to... simulan mo nang magbago Di mo Ba Naisip Nawalan Ng Mahal Sa Buhay Di mo ba naisip dulot ng pagtapon sa mga hukay Hanggang ngayon ba ay di mo pa din alam ang Mga epekto ng pagtapon kung saan-saan Tas iihi ka na lang bakit dun pa sa kalsada Para namang wala kang natutunan sa eskwela Puputol pa nang puno para lang gawing panggatong Ang masaklap pa ditto di mo binigyang pamatong Iiyak iyak ka dyan na para bang isang bakla Kundi mo pinutol iyon wala na sana pang baha Tas kapag nagkasakit ikaw pa ang siyang galit Eh kasalanan mo naman kung bakit nag-iinit Ang lakas pang manakit sa mga punong walang laban Di dahil di sila lumalakad ay ganun-ganon na lamang Tandaan mo naman na kaylangang ingatan sila Dahil ito ay bigay lang ng ating panginoong ama Repeat Chorus Bakit niyo ba pinuputol ang libo libong mga puno yan tuloy ating bundok unti-unti nang gumuguho Para lamang makaluho wawa sakin ang paligid di muna iniisip maaaring mangyaring panganib palagi na lang kayong putol dito putol don na nangiging sanhi ng pabago-bagong panahon at basta basta lang tinatapon ang mga basura tapos nagtuturuan kapag andiyan na ang parusa sino bang dapat magdusa at dapat na sisihin tayo rin naman diba bakit di mo pa aminin sa inyo bang pangingisda kailangan mag-moro ami ng sagana ang yung kita at marami kang mahuli tandaan ang ginagawa mo ay merong kapalit maaaring matamis o di kaya'y mapait kaya'y ikay magbago na hanggat maaga pa lang dahil baka ang kapalit ay ang mahal mong nilalang Repeat Chorus Pagmanghuhuli Ng Isda Kailangan Ba Ng Dinamita? Kailangan bang manira ng bundok sa pagmimina At bakit pati basura di maitapon ng maayos Tapon dito, tambak diyan hanggang kalian to matatapos Pagnandyan na ang unos at iba't-ibang trahedya Bagyo,lindol,baha na magdudulot ng problema At magbubunga ng walakang pagkasawi Ng bawat isang pinoy na biktima ng paghiganti Ng kalikasan paulit-ulit nang nararanasan Wala paring pagbabago dito sa sariling bayan Na Parang nagingtahanan narin ng mga bigo Na saan ang kaunlarang sinasabi mong binuo Kaya kalian ka magbabago kalian ba kikilos Upang ang kahirapan sa pinas ay maigapos At tuluyan ng umagos ang pagmamahal kay inay Na nagbigay ng mga bagay upang tayo ay mabuhay Repeat Chorus Alam Niyo Ba Kung Pagmamasdan Lang Ang Ating Kalikasan Napakarami Ng Mga Puno Ang Tila Nababawasan Dahil Sa Kagagawan Ng Mga Taong Umabuso Kung Kayat Ang Panahon Ay Biglang Pabagu-bago at pagkakaroon ng kalamidad sating bansa tulad na lang nang pag-ulan at tuluyan pagbaha kaya maraming mga tao ang sadyang nababahala kung kaya't ang kapaligiran unti-unti nang nasisira kung ganito ang sitwasyon saan kapa mananatili at kapag merong nasawi doon kalamang masisisi ang ganitong sitwasyon di ba lubha ngang masakit hahayaan mo pa ba na ika'y magkasakit kung ayaw mo 'tong mangyari kalikasan ay linisin wag sirain dapat nga ito ay pagyamanin upang ang iyong lugar gumanda ang sitwasyon kinabukasan paggising mo maganda ang panahon Repeat Chorus x2 BRIDGE ilan pa bang mga salita upang kami ay marinig sa panawagang di pinapansin kailan kaya mapakikinggan ang bawat isa ah... na matagal nyo nang binalewala Repeat Chorus