Stickfiggas - Lamanloob lyrics

Published

0 8096 0

Stickfiggas - Lamanloob lyrics

[Intro] Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko malamang Ako'y mapapagkamalang walang pusong nilalang Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko mukhang Ako'y magmimistulang may turnilyong kulang at mangmang Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang [Verse] Sunod-sunuran na naman ako sa'yo Lagi na lang ba tayong ganito Sabi ng iba wag ko na nga lang daw isipin Dinggin ang bulong ng puso at ang ibig nitong sabihin Kinanta mo sakin ang lahat ng lihim Kapalit ng sarili kong handang magpa-alipin Para lang mga pangarap kong matagal ng nakabitin Gawing katotohanan pagkagising Sa gutom at gigil hakbang ko'y pasugod Walang alam sa kung anong pwedeng mangyare kasunod Biglang dating ng eksenang ngayon ko lang napanuod Ang masamang aso'y muli na namang nagpaka-busog Nangangahulugang walang may kayang mag-isa Kaya pala pag nadadapa madalas ang tanong nila Kung may nahuli ka, mga aral ata'y napupulot lamang Kapag nasa sahig ka na [Chorus] May mga bagay sa mundo Iba't ibang hilig at gusto Tulad ng puso at ng isipan Na bibihirang magkasundo Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob Kanino nga ba ko susunod? Tingin paloob [Verse] Sunud-sunuran na naman ako sa'yo Lagi na lang ba tayong ganito Sabi ng utak ko sakin wag ko na lang damdamin Isipin ng mabuti ang bawat hakbang na gagawin Kakailanganin mo ng hangin kung gusto mong lumobo Punuin mo ng kaalaman yang ulo mo katoto Di na pwede yung tulad ng dati puro na lang oo Uulitin lang kung anong itinuro parang loro Sa bokabularyo ko hindi na uso ang bumoto Sa gobyernong walang aasahang tulong o saklolo Ba't di ka mag-isip mag-isa Matutong kang magsolo di pwedeng puro palakpak Dapat una muna pondo Ubod ng metikuloso na ang utak ko Ayoko na kasing ako'y maisahan, madugas o maloko Natuto na ko dati nung binuhos ko ng todo Ang lakas at ang tiwala ko sa puso ko na bobo [Chorus] May mga bagay sa mundo Iba't ibang hilig at gusto Tulad ng puso at ng isipan Na bibihirang magkasundo Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob Kanino nga ba ko susunod? Tingin paloob [Hook] Wag matakot sa nararamdaman Sundan mo, sundan mo, sundan mo, sundan mo Ang kasaguta'y nasa isip mo lang Buksan mo, buksan mo, buksan mo, buksan mo [Bridge] Wala nang natira ni katiting na porsyento Ng lakas para makapagisip ng deretso Kailangan kong prumoseso Kung may magtuturo lang ng tulay na maguugnay Sakin patungo sa templo Naguumapaw sa utak mga ideya at konsepto Retoke paulit-ulit imposibleng makuntento Perpekto na ang plano bawat detalye kumpleto Pero wala kong lakas ng loob gawing kongkreto Sinunod ko nga ang puso at ang utak sinuway Binusog ko ang damdamin ngunit bulsa' umaray Kung legal ang pumaslang marami na kong napatay Wala na ngang puso sunog pa ang baga pati atay Napakapit kay inay ang pasmado kong kamay Mga payo ni itay tangi kong gabay Sa puso mo ipasok at sa isip ilagay Kung ika'y nalilito gamitin mo ng sabay Kasi [Chorus] May mga bagay sa mundo Iba't ibang hilig at gusto Tulad ng puso at ng isipan Na bibihirang magkasundo Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob Kanino nga ba ko susunod? Tingin paloob [Hook] Wag matakot sa nararamdaman Sundan mo, sundan mo, sundan mo, sundan mo Ang kasaguta'y nasa isip mo lang Buksan mo, buksan mo, buksan mo, buksan mo [Outro] Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko malamang Ako'y mapapagkamalang walang pusong nilalang Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko mukhang Ako'y magmimistulang may turnilyong kulang at mangmang Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang

You need to sign in for commenting.
No comments yet.