[Gloc 9] Andami dami daming maiingay dun sa amin O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Andami dami daming maiingay dun sa amin O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing [Shanti Dope] Gandang umaga haring araw Tulala sa kaning bahaw Pang-amoy na nabusog sa lumalapang Alingasaw ng kalyeng kairitang halayang ininit lang Tiis lang ang lasa parang minumog na sinigang Pasok sa paaralan, ganon pa din pag-uwi Dakilang tagahiwalay ng dekolor sa puti Poso na nagturo sa'king pa'no humingang malalim Lumaki na gutom lamang ang 'di kayang kalabanin Mababad man sa gawaing bahay Laging nangunguna pag nakahawak ng pluma ay nag-iibang anyuan Ani mo'y sinaniban ni Buddah, Shiva, Garuda, Kristo, Medusa Dami ng duda, dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo Andami dami daming maiingay dun sa amin Bibihira kung dalawin ng grasya't sariwang hangin Sa dami ng bukambibig kung nakakulong lang sa silid Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig [Gloc 9] Andami dami daming maiingay dun sa amin O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Andami dami daming maiingay dun sa amin O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing [Shanti Dope] Taas noo pa ding nakayuko Salop man ay madalas mapuno Sa kabila ng nagbabalak, apulahin ang apoy sa pasan na sulo Parang kadabuwan nakikipagbuno, tuwing araw ng dalaw laging madugo Ngayon man ay siniguradong makalaglag takuri kada bagong pakulo Napapakapit tuko lahat ng aking kuko Nakabaon ng malalim para lang hukayin ang mga diyamante sa aking bungo Andami nating gusto na 'di magawa pagka't ayaw nating matukso Mga bagay na 'di mo na pwedeng gawin Kapag ka dumating na ang ating sundo Pagkagaling sa eskwela, rekta palit kamiseta Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta Sa dinamidami ng mabenta pansakit sa kabila ang tenga Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog riseta Andami dami daming maiingay dun sa amin Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig [Gloc 9] Andami dami daming maiingay dun sa amin O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing Andami dami daming maiingay dun sa amin O kay tagal ko na nag-iikot para hanapin Kung sinong sumusulat at humihingang malalim At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing [Gloc 9] Dapat karapat-dapat sya pag-iiwanan mo Dapat karapat-dapat sya pag-iiwanan mo