Magmula no'ng ako'y natutong umawit Naging makulay ang aking munting daigdig Tila ilog pala ang paghimig Kung malalim, damdami'y pag-ibig Kung umapaw, ang kaluluwa't tinig Ay sadyang nanginginig Magmula no'ng ako'y natutong umawit Bawat sandali'y aking pilit mabatid Ang himig na maituturing atin Mapupuri pagka't bukod-tangi Di marami ang di-magsasabing Heto na't inyong dinggin KORO: Kay ganda ng ating musika Kay ganda ng ating musika Ito ay atin, sariling atin At sa habang buhay awitin natin Magmula no'ng ako'y natutong umawit Nagkabuhay muli ang aking paligid Ngayong batid ko na ang umibig Sa sariling tugtugtin o himig Sa isang makata'y maririnig Mga titik, nagsasabing: (Ulitin ang Koro ng dalawang beses) Kay ganda ng ating musika!