Saludo - Quest lyrics

Published

0 342 0

Saludo - Quest lyrics

Verse 1 Ito ang alay ko, ito ang istorya mo Alamat na kailangan makilala ng buong mundo Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang Pasasalamat at ika'y isinilang Di pangkaraniwang para syang superhero Hinarap lahat ng pagsubok yung iba hindi biro Meron syang misyon kaya walang takot sumabak Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap Parang pelikula, action, adventure, drama May konting comedy, love story na pang masa Galing sa wala akala mo talo na tapos, yun pala sya yung bida kaya lahat sila paos Kasisigaw, kahihiyaw selebrasyon Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon Itaas ang kamay sumigaw ng hoy (hoy) Ito ang araw mo, bayaning pinoy Chorus: Saludo Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay Saludo Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, di nagpaalila Saludo Sa inspirasyon, karagdagang lakas Salamat dumaan kayo sa tamang landas Saludo Kami sa inyo ay saludo, saludo Verse 2 Walang balak sumuko, walang planong gumuho Tagumpay lang, walang iba binigay nya buong puso Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso Ang buhay positibo, agresibo at mismo Kaya pinarangalan syang bayaning pilipino Taas noo kahit pango di na bigo di nalito di huminto inabot nya ang ginto Ngayon tahimik na lahat ng kritiko Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo Nag trending, ang daming likes, di na makalimutan Front page, headlines, hanggang sa kanto laman ng kwentuhan Pagasa'y pinagsaluhan, pero di naubusan, binigay ng lubusan, hanggang sa huling hantungan Tagumpay, walang humpay, Bridge Sabi saw walang pagasa pero tinapos Sabi daw imposible pero di pa rin natakot Sabi nila mahirap pero nag pursige Kaya ngayon lahat sila sige lang sige Nung lahat umurong sya sumugod Nung lahat lumubog sya di nalunod Natutong maglakad sa tubig pananampalataya Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya Paglaki ko gusto ko maging katulad mo Maipagmamalaki sa buong mundo Ikaw ang dahilan kung bat hindi ako susuko Taus pusong pasasalamat, isa kang alamat

You need to sign in for commenting.
No comments yet.