Ron Henley - Puyat lyrics

Published

0 639 0

Ron Henley - Puyat lyrics

[Chorus] [RJAY TY] Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw Pangarap ay sumikat balang araw Ligaya ang dala, liwanag ang taglay Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y [RON HENLEY] Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw Ligaya ang dala, liwanag ang taglay Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga matay' [VERSE 1: RJAY TY] Singkit at papikit na susulat pa ng letra Makabagong propeta dating ng aking pwersa? Kahit pa antukin sa dilim ay hinding hindi ma- Papatulog hinubog ng bilog na buwan ang dila Matalas kung humiwa, madalang tong humina Madalas sa kusina masmalakas tong sumipa Hindi nga? Ang ayaw maniwala edi huwag Bawal ang sabit patungong langit aming paglipad ‘hit hindi kitang nilalakarang hagdan Di parin papapigil sa bawat hakbang Hahanapin ang tamang daan, tatahakin di tatantanan Di maiisahan lalong bibilisan tiis lang at malalampasan Ang hirap may ginhawa, lungkot may ligaya May awa ang Diyos sa kanya'y magtiwala Sa bawat pagsubok ay merong pagasa Tuparin ang pangarap pagbangon sa kama [Chorus] [RJAY TY] Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw Pangarap ay sumikat balang araw Ligaya ang dala, liwanag ang taglay Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y [RON HENLEY] Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw Ligaya ang dala, liwanag ang taglay Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga matay' [VERSE 2: RON HENLEY] Bumigat at panandalian kong maisara Baka sakaling makasulat ng isa pa Nung nasagap ng tenga ang tunog ng trumpeta Sunud-sunuran sa bagsakan parang buntot ng kumeta Umapaw ng salita kahit kulang sa pahinga Binuklat ko yung pahina, bumukas yung makina Pero utak piniga ko pa makuha ko lang yung timpla Nagdagdag ng sago sa gulaman naging puto sa akin ang kutsinta Mga manok na naka-two-piece pa nagiging paniki nakikipagtalik Sa oras kung saan ang lahat ng lansangan bibihirang magtrapik Pinutakti ng bubuyog ang nasusunog na bulaklak don sa may halamanan Nilanghap nila'y usok na lumulunod sa buong pamayanan Pagtingin ko sa kalangitan iba ang ngiti sa akin ng buwan Marahil may araw nanaman daw na dapat abangan Binigyan tayo ng tig-bebente kwatro oras Nanghiram ako ng apat na pu't walo babayaran ko bukas kaya [Chorus] [RJAY TY] Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw Pangarap ay sumikat balang araw Ligaya ang dala, liwanag ang taglay Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y [RON HENLEY] Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw Ligaya ang dala, liwanag ang taglay Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga matay' BRIDGE [Scratches by DJ SPNZ] VERSE 3 [RJAYTY] Luminaw at di na muling lalabo pa Paano ba naman kasi ay alam ko na Ngayon kung ano ang tamang paraan ng pagtancha Respetong iniiipon parang mga pisong umaapaw sa [RON HENLEY] May alkansha bago ako nagka- Ron ng buo dumakot muna ko ng katakutakot na barya Rinig ko ang mga tawa ng lamok Tsismisan ng mga gamu-gamo kaya di ako dinadalaw ng antok [RJAY TY] Pero kahit pa ganun na ang pabaon ng tadhana Hinding-hindi sususko sumumpa sa mga tala Madapa't masugatan man ang mali ay itatama Lahat ay posible pasasalamat kay Bathala [RON HENLEY] Palakad-lakad sa tabi gabi-gabi di mapakali Nakikipagtitigan sa kisame pakape-kape ka pa kasi Bagong gising yung iba ako'y pahiga palang sa unan Don ko nakuhang mailagay ang agahan sa hapunan [Chorus] [RJAY TY] Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw Pangarap ay sumikat balang araw Ligaya ang dala, liwanag ang taglay Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y [RON HENLEY] Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw Ligaya ang dala, liwanag ang taglay Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga matay' OUTRO Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu! Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu! Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu-yat!

You need to sign in for commenting.
No comments yet.