Bayang magiliw Perlas ng Silanganan Alab ng puso Sa dibdib mo'y buhay. Lupang hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig Di ka pasisiil. Sa dagat at bundok Sa simoy at sa langit mong bughaw; May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya Kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay at langit sa piling mo; Aming ligaya na pag may mang-aapi Ang mamatay ng dahil sa iyo. Sent by Carlos Andrй Pereira da Silva Branco