Julie Anne San Jose - Dedma lyrics

Published

0 1441 0

Julie Anne San Jose - Dedma lyrics

[Abra:] Bakit hindi ko maintindihan? Sino ba at nasaan? Ha? Ano siya? Anito? Superhero? Taga rito ba? O baka taga buwan? Ano ba yan? Gawa gawa lang ba ng tao? O? Kabaliktaran, tulad ni Adan? Yung totoo 'di mo alam Ayaw maki alam O wala ka lang paki alam... Andami nang namamatay, pumapatay nagpapakamatay at nabubuhay sa mali Mga bata'y, nadadamay, sa mga away.. Ang gulo na ng mundo na kulang sa pansin Puro pa gera, dulot ng pera Nakakalungkot, ba't ka ba ubod ng dedma? Punyeta! Retreat sa kweba Oras na ma-Soddom at Gomorrah 'tong buong planeta, teka [Chorus:] [Julie Anne:] Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay Sa pagitan ng dilim at ng liwanag Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan [Abra:] Pa'no kung walang kabilang byuhay? Pa'no niyo kami matutubos? Pa'no kung wala pa ring patunay At yun kasi wala naman talagang Diyos... Na bwakaw magpasamba Kung ayaw mo daw manan*lanta Pero ganu'n pa rin naman kahit magdasal ka Tignan mo Deuteronomio kung mapagmahal sya... Nasa'n na ba kasi 'yung ebidensya? Mukhang natakpan ng piring ang sistema Mga pruweba ng primitibong siyensya Mahirap tanggapin na parading penitensya Sentensya, sa mga mapang-abuso Kontrolado utak kapagka hawak ang puso Punto, sa'n patungo ang relihiyon Sa katapusan ba ng mundo? O sa Panginoon? Bakit gano'n? [Chorus:] [Julie Anne:] Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay Sa pagitan ng dilim at ng liwanag Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan [Bridge:] [Julie Anne:] Minsan, di natin nababatid ang kamalian ng lahat Na siyang kay hirap tanggapin At kahit iisa ang kinikilalang Diyos Ama Ang tanong, bakit yata parang dedma yung iba? [Abra:] Nasaan, Nasaan ang kaligtasan? Kapag naghiganti na si Inang Kalikasan? Delubyo tapos tuhog sunog, chicken inasal Halik ni kamatay sa kamay ng kabihasnan Sino ba dapat sisihin para sa kasamaan? Demonyo ba o malayang pagpasyang may kapatawaran? May kaluluwa po ba talaga yung katawan? O kathang-isip lamang ng mga takot sa kawalan? Kailangan ko ng bendisyon, Maliwanagan parang Thomas Edison Kahit mabusisi, alam ko sa sarili ko, 'di ko kayo kinekwestiyon, malayang desisyon Kasi imposibleng inimbento ka lang Sino ang arkitekto? Sikreto na lang Perpekto lahat pwera disenyo pa lang Ang tanong, bakit gano'n yan ang pala isipan [Chorus:] [Julie Anne:] Kayrami ng tukso nand'yan at lalapit sa'yo Mga matang nakasunod nakabantay, naglalakbay Sa pagitan ng dilim at ng liwanag Mapait ang katotohanan sa mundong makasalanan

You need to sign in for commenting.
No comments yet.