[BLKD] Pagkat ang tae (Tae!) Ilagay man sa magarang Sisidlan ay tae pa rin (Tae pa rin!) Madumi, mabaho tawag ma'y ibahin (Tae pa rin!) Parang ulo mong bato, dapat Lang tibagin (At gibain!) Ang huwad mong karangalan -- Hoy salarin! NEVER AGAIN! Kaming magpapalinlang Tanggapin lang mga bintang mga Diktang wala sa timbang? Langhapin ang lansa ng dugo sa Kamay na bakal? Malamang bakal na ang tanganan Ng taumbuayan sa pag-angal Aral na sa 'min mga pilit Nyong tagumpay Bunga ng pagmamaneobra nyong Walang humpay Humalakhak hala (Tanga!) Hindi pa huli ang lahat Kumalampag lang lalo kayo sa Galit naming naghahanap Ng katarungan, kasagutan Kabayaran sa mga utang Kagaguhang natabunan ng basura Sa kangkungan Kaya't alang-alang sa alaala Ng mga unang bumaka Tuloy ang paghahasa ng sandata Pagkat lamang mo lang naman ay Ang laman ng 'yong bulsa't ngalan Walang alam na sa kalam ng Tyan ay lalong tumatapang Ang alab ng puso ng masang Lumalaban Hindi ka titigilan hangga't di Ka gumagapang Sa lusak, sa burak, sa Basurahan ng kasaysayan 'Gang mabura sa mga utak ang Kinang ng 'yong pangalan Mamamanipula nyo midya at Gobyerno Pero mananagot kayo sa korte Ng mga tunay na supremo [CALIX] Bakit ba kailangan mo lokohin Ang katulad kong naghihirap? Lugmok na nga sa putikan Pilit mong pinapasok, at Gamitin sa pulitika Ang kalagayan na araw araw Naming kinakalaban Tinitiis habang ika'y naliligo Sa kayamanan Na nag mula sa kaban ng bayan Kami na nga ang ninanakawan Kami pa ang kailang lumuhod Kutyain, at pagtawanan Ibalik mo na ang saamin ay Nararapat Ang kapal ng mukha mo Di tayo pareho ng tinatahak Ilang dekada mong inabuso ang Bansa Hindi pa nga naghihilom sa Sugat na dala ng giyera Utang sa iba na kami ang mag Babayad Pasan-pasan hanggang sa dulo Ng aming angkan Hanggang sa kaapu-apuhan Katarantaduhan Anong ginawa namin sayo para Paglaruan? Ang buhay ng sang daang libong Iniwang duguan Magigiting na taong bayan Kalayaan pinaglaban Kahit patay ka na, tignan mo Nandyan pa Napaka-laking peklat ginawa ng Gobyerno mong corrput At ngayon, nag babadya. Na Sumunod sa yong yapak Ang anak na di marunong Lumuhod, humingi ng tawad Putang ina mo Putang ina nyo Itataas ko ang bandera ng mga Nalulugmok Sa kahirapan Oras na para lumaban Oras na para bumangon ang Bayan sisikat araw Sa mga may tiwala Di alinlangan ang kagaguhan Di matitinag Di matitinag Kapit kamay, ang pagbago Magsisimula sa pagtutulungan Di matitinag