Di ko pansin ang kislap ng bituin ‘pag kapiling ka sinta Kahit liwanag ng buwan sa gabi, ‘di ko na nasisisita Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko ‘Di ko pansin ang bango ng hasmin ‘pag kapiling ka sinta Kahit ga-dagat ang dami ng rosas hindi matataranta Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak At ikaw nga, tanging ikaw sinta Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta Hindi magsasawa sa piling mo ‘Di ko pansin ang bawat sandali ‘pag kapiling ka sinta Bagyo't ulan, kidlat at kulog man, ‘di napapansin sinta Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan Ang ngayon at kailanma'y makapiling ka Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta Hindi magsasawa sa piling mo Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta Hindi magsasawa sa piling mo (Ohhhh…ooohhh) Hindi magsasawa sa piling mo Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta Hindi magsasawa sa piling mo Tanging ikaw… Hindi magsasawa sa piling mo…