Kung kailangan mo ng kausap, Kung kailangan mo ng karamay, Kung kailangan mo ako, Darating...Darating Pinulot sa mesa ang baba Umapaw sa luha at nag baha Hindi ma kontento, may hindi na kontento Kaya ngayon sayad ako sa lupa Teka lang ngayon Parang di na yata yung ikaw Na matibay ang loob At di basta bumibitaw Nasan ang isipan? Bakit para bang naliligaw? Bakit ganyan ka mag isip? Tila mangang nahihilaw? Kasi maasim Maasim ang kinakasadlakan Mga balakit sa daan tila di na malagpasan Ngayon wala na 'kong pera Wala paring trabaho Walang pinagbabago at pinapasan-pasan Mga problema Alam ko na kung minsan patong-patong Na para bang bagyo na humampas sa barong-barong Pero dapat ay bumangon pag ikaw ay nadapa " Pero bumangon man ako, wala paring magagawa!" Kung kailangan mo ng ka usap, Kung kailangan mo ng karamay, Kung kailangan mo ako, Darating...Darating Alam mo? Di lang ikaw ang may mga dalangin May pagsubok man sa'yo Meron din para sa akin Sa Amin Sa kanila at kung kani-kanino Walang hindi namomroblema Kahit na sino Madali lang yan sabihin Mahirap na gawin May bagay na hindi makuha kahit pilit chagain Parang babaeng niligawan na agawin ang pansin Pero sa bandang huli Baliwala parin Anong klasing dahilan yan? parang baloktot parang sinabi mong habang buhay ka nang malungkot Kung mangangarap Akyat ka lang hanggang sa toktok Para bumaon ang pako Dapat may pumuk-pok Ginagawa naman lahat pero bahit sumasablay? Sa agos ng buhay na pilit sumasabay Wag mawalan ng pag-asa Marami ang gumagabay Dapat lalong tumatapang Habang ika'y umaaray! Kung kailangan mo ng ka usap, Kung kailangan mo ng karamay, Kung kailangan mo ako, Darating...Darating At kung di ka kumbinsido Ay to, makinig ka! Dapat tibayin ang loob Kapag nakikidigma Marami ang pag subok Hahamuinin ang tigas Dapat mag paka tatag Para hamuin ang bigas Sa dating palay! Mula sa palad ng mag sasaka Bawat butil sa bukid Hindi dapat mag pabaya Ang ugali ng pinoy! Kahit nakapagpapababa Nakukuha pang ngumiti Kung minsan nagpapatawa Sana makuha ang buto Nang hindi yan ang wakas Gamitin mo ang iyong puso At natitirang lakas Laging may hamon bawat bukas Lag-lag kahit malakas Tandaan mo lang Palagi na may langit sa taas Wag ka nang mag alangan Manatiling palaban! Iisa lang ang mundo na ating ginagalawan Pag asang nakalaan Nasa iyo ang paraan Maglakbay ng deretcho Kahit may putik sa daan..