Dahil sa inyo ako'y natutong mangarap
Dahil dito ako ay nagsumikap
At unti unting naabot ang mga mithiin ko
Mga mahal sa buhay ko'y nagalak
Sa inyo ko rin natutunan ang buhay kay hiwaga
Ang tao lahat ay pantay pantay
Walang mahirap at wala ring mayaman
Sa Diyos inilapit ang puso ko nang tapat
Mayroon lang akong hinihiling
Sana'y tanggapin ang tanging handog ko sa inyo ngayong pasko
Isang maligayang Pasko sa inyong lahat
Ako'y labis na nagpapasalamat
Dahl hanggang sa araw na ito'y kapiling pa rin kayo
Maligayang Maligaya, Maligayang Pasko
Init at ang lamig ay hindi ko alintana
Ang takot at pangambay aking binalewala
Ngayong patuloy na naging matuwid ang buhay ko
Aking damang dama ang tunay nyong pagmamahal
Mayroon lang akong hinihiling
Sana'y tanggapin ang tanging handog ko sa inyo ngayong pasko
Isang maligayang Pasko sa inyong lahat
Ako'y labis na nagpapasalamat
Dahl hanggang sa araw na ito'y kapiling pa rin kayo
Maligayang Maligaya, Maligayang Pasko
At kung dumating ang araw tayo ay magkahiwalay
Asahang hindi ko kayo makakalimutan
Isang maligayang Pasko sa inyong lahat
Ako'y labis na nagpapasalamat
Dahl hanggang sa araw na ito'y kapiling pa rin kayo
Maligayang Maligaya, Maligayang Pasko
Maligayang Maligaya, Maligayang Pasko