Nagbubulungan ang silid
Nakatingin ka sa sahig
Tanging hiling mo lamang ay hindi ka mapansin
Naglulutang ang iyong isip
Lumalabo ang tingin
Sana'y mga sigaw nila'y di mo naririnig
Mahirap mang 'di mainis
Tumingala ka lang at ‘wag mag pa-api
Bigyang dangal ang iyong sarili
Hindi ka nila kayang basagin
Magmula ngayon ika'y magniningning
Para magsilbing anting-anting
Magmula ngayon ika'y magniningning
Para magsilbing anting-anting
Minsan tinatanong ang sarili kung bakit
mo tinataboy tuwing ako'y lalapit
Ba't sila ganuon na lang makapang lait
Tiwala ko sa sarili parang dinagit
Palayo, pwede bang makipag kaibigan
Kahit na di mamahalin aking mga kasuotan
Na maong, baro, lalo na sapatos, relo, telepono
Kelan matatapos
Ang mapanghusgang paningin ng lahat
Ang iyong halaga dapat may katapat
Maliit ka pa rin kahit na iangat
At hindi tutoo ang mga alamat
Pero pwedeng tumalon, pwedeng maniwala
Magtiwala ka lamang at si bathala ang bahala
Sa mga pangarap na dinudungaw mo sa bintana
Kasabay ng awit na bukas luluhod ang mga tala
(Kasabay ng awit na bukas luluhod ang mga tala)
Magmula ngayon ika'y magniningning
Para magsilbing anting-anting
Magmula ngayon ika'y magniningning
Para magsilbing anting-anting
Anting-anting…
Magmula ngayon ika'y magniningning
Sa iba'y magsisilbing anting-anting
Maging isang tugon sa mga naaapi
At tayo'y magsilbing anting-anting
Magmula ngayon ika'y magniningning
Para magsilbing anting-anting
Magmula ngayon ika'y magniningning
Para magsilbing anting-anting
Magmula ngayon
(Magmula ngayon)
Magmula ngayon
(Ika'y magniningning)
Magmula ngayon
(Magmula ngayon)
Magmula ngayon
Magmula ngayon
Magmula ngayon
Pero pwedeng tumalon, pwedeng maniwala
Magtiwala ka lamang at si bathala ang bahala
Pero pwedeng tumalon, pwedeng maniwala
Kasabay ng awit na bukas luluhod ang mga tala