Verse
Ikaw ang lahat sa akin ay katumbas
Pilit mang abutin, mga bituing tumitindig
Refrain
Bahala na kung mapahiya kahit masayang ang tinta
Para kang sining sa pinta na napakaganda
'Di man kita mahalikan, kahit papa’no'y natingnan
'Di mo alam, sapilitang sinusundan
Chorus
Nakakapagtaka na para bang iba ang sarili, ’di ko makilala
Paghumaling ay hirap lubayan, sasamahan ka sa buhos ng ulan
Hinahanap ang tono ng mga gagawing kantang pangharana
Sa lahat ng pagpapansin ko ay 'di mo makita
Adlib
La-la-la-la
La-la-la-la-la
La-la-la-la
Verse
Buwan ang saksi sa mga araw na madali
Huwag ka nang tumakbo, rinig ko na ang iyong pulso
Refrain
Bahala na kung mapahiya, ang dugo mo ang siyang tinta
Para ang sining sa pinta'y lalong gumanda
'Di man kita mahalikan, kahit papa'no'y natingnan
Ang labi ng 'yong katawang nambibintang
Chorus
Nakakapagtaka na para bang iba ang sarili, 'di ko makilala
Paghumaling ay hirap lubayan, nagtatago sa buhos ng ulan
Hinahanap ang tono ng mga ingay at sigaw na pangharana
Sa lahat ng pagpapansin ko ay ’di mo makita
Adlib
La-la-la-la-la
La-la-la-la-la
La-la-la-la, la-la-la, ah, ah
Bridge
Huwag mo nang hintaying dumilim ang paligid
Hinihingi ko lang naman, pangalan mo
Kung ikaw ay nauuhaw
Ako naman ang sundan mo
Bridge
Huwag mo nang hintaying dumilim
Hinihingi ko lang naman, pangalan mo
Kung ika’y nauuhaw
Ako naman ang sundan mo
interlude
Outro
Bahala na kung mapahiya kahit masayang ang tinta
Para kang sining sa pinta, nakatulala