[Verse 1]
Wala na ‘kong magagawa para mapigilan ka.
Tinatanong ko ang sarili
Kung sa’n ako nagkamali.
‘Di ko rin inakala na ika'y mag-iiba.
O kay saya ko sa 'yong piling,
Bibitaw ka rin pala.
[Pre-Chorus]
Di ka ba nanghihinayang sa atin?
Kailangan na bang tapusin?
[Chorus]
Sandali lang,
H’wag mo munang sasabihing ayaw mo na.
‘Di ba pwedeng pag-usapan ang lahat ng ito?
[Verse 2]
Kaya pala unti-unting lumalamig ang iyong mga halik.
‘Di ko na maramdaman ang dati mong pag-ibig.
[Pre-Chorus]
Di ka ba nanghihinayang sa atin?
Nagsawa ka na sa akin.
[Chorus]
Sandali lang,
H’wag mo munang sasabihing ayaw mo na.
‘Di ba pwedeng pag-usapan ang lahat ng ito?
[Bridge]
‘Di ko alam kung may nagawa akong kasalanan.
Bigla ka lang nang-iwan ng walang dahilan,
Walang dahilan.
[Chorus]
Sandali lang,
H’wag mo munang sasabihing ayaw mo na.
‘Di ba pwedeng pag-usapan ang lahat ng ito?
[Chorus]
Sandali lang,
H’wag mo munang sasabihing ayaw mo na.
‘Di ba pwedeng pag-usapan ang lahat ng ito?
Sandali lang,
(Sandali lang)
Sandali lang,
(Sandali lang)
Sandali lang,
(Sandali lang)
Sandali lang.