[Verse 1]
Ilang gabi na akong ganito
Hindi mapakali, hindi makatulog
Iniisip ang mga sandali
Ika'y kasama't kapiling
[Pre-Chorus]
Nais ko sanang sabihin sa'yo
Na ikaw ang sigaw ng puso ko
Ngunit hindi ito ang panahon
Para sabihin at aminin
[Chorus]
Maghihintay ako
Maghihintay sa'yo
Hindi magbabago
Tibok ng puso ko
Maghihintay lang ako
[Verse 2]
Lagi na lang iniisip ang ganda ng 'yong ngiti
Ang 'yong mga mata
'Di akalaing magiging ganito na may magbabago
Sa pagtingin sa'yo
[Pre-Chorus]
Nais ko sanang sabihin sa 'yo
Na ikaw ang sigaw ng puso ko
Ngunit hindi ito ang panahon
Para sabihin at aminin
[Chorus]
Maghihintay ako
Maghihintay sa'yo
Hindi magbabago
Ang tibok ng puso ko
Maghihintay lang ako
[Bridge]
Alam kong marami pa tayong pagdadaanan
Marami pang makikilala
Kaya naman ang dalangin ko
Ikaw pa rin sa dulo
[Chorus]
Maghihintay ako
Maghihintay sa 'yo
Hindi magbabago
Ang tibok ng puso ko
Maghihintay lang ako