I
Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan
Sinakop ng mga uwak ang kalangitan
Sa bigat ng kaulapan parang uulan
At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan
Sunod-sunod na pagsabog ng granada
Mga katawang nakahandusay sa kalsada
Mga mukha ay duguan, di na makilala
Ganto pala ang tunay na kulay ni kirara
Kahit sanka tumingin usok ang itim
Sa kapal kaya nyang takpan ang mga bituin
Isang kidlat, kasunod ng kulog
Kasabay ng isang malungkot na tunog
Teka nasan yung iba? ako lang ba ang natira?
Ako lamang mag-isa at hinahanap kita
Lubos na nagtataka, bakit di kita kasama?
Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka uh
Koro:
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? 3x
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa
II
Anong kaguluhan to? Anong nangyari dito?
Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso
Kulay pulang anyo ng tubig, daanan ay maputik
Nasunog ang lahat ng palayan sa bukid
Galit ang hangin na sa akin ay humampas
Na nagdala sakin patungo sa isang talampas
Ahit na kagubatan, nakalbong kabundukan
Habang humahaba ang buhok ng kalungkutan
Dito namahay ang hari ng kadiliman
Pailalim makatingin at di ka titigilan
Tinanong ko't tinitigan, kung kelan sya lilisan
Mahal nya daw ang mundong 'to at di nya maiiwan
Puro ungol at sigaw ng mga kaluluwang ligaw
Hinahanap ay ikaw
Sadyang nakakatakot ang pook nato pag di kita kasama
Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh
Koro:
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? 3x
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa
Koro 2:
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama 3x
Diba sabi mo babalik ka ng maaga?
Pano nako kung wala ka, magsalita ka
III
Wala nakong liwanag na masipat
Sumuko na yung araw, ayaw nang sumikat
Ayoko na dito, gusto ko ng lumipat
Hayaan nyong tapusin ko ang aking paghihirap
Nagkalat sa hangin ang amoy ng mga
Patay na kandila at mga rosas na lanta
Ang tanging tinig mo ang nais kong marinig
Hanap ang iyong yakap at bibig sa twing ganto kalamig
Hindi, hindi ako susuko
Ako'y lalaban hanggang wala ng dugong tumulo
Kasi ikaw lamang ang tanglaw sa gabing mapanglaw
At sana sa pagdilat ko ikaw ay matanaw
Pagkagising ko natagpuan ko ang sarili ko
Wala ka sa aking tabi't nalilito
Ganto kagulo ang isip ko pag di kita kasama
Pano nako kung wala ka, magsalita ka...
Koro:
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? 3x
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa
Koro 2:
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama 3x
Diba sabi mo babalik ka ng maaga?
Pano nako kung wala ka, magsalita ka