Umaga, hapon, maging gabi Magkahawak-kamay magkatabi Kailan ma'y di mapaghiwalay Tayong dalawa habang buhay Masdan ang buwan at ang mga bituin Nagsasabay sa pagbigay liwanag sa dilim Katulad nating nais gawing gabay ng iba Tinutularan nila tayong dalawa Sa mundong puno ng pasakit Tayo ay pinagpalang tunay
Na magkatagpo't mabuhay Para sa isa't isa Dalangin ko sana'y Marami pang iba Ang maging kasing saya Nating dalawa At kung dalangin ko'y kanyang didngin Magiging paraiso ang munting mundo natin Tunay na ligaya nawa'y mahanap ng iba Tulad nating kay palad na magsama Ikaw at ako Tayong dalawa