VERSE 1
Pag dungaw nang umaga sa kastilyong tinatawag ko ay kama
Papasok parang kalaban at gigisingin ni lola
Itlog na almusal naka handa na sa lamesa
Katabi ng aking baon at libro para sa eskwela
Pero bago ihatid magpapaalam kay nanay
Na tulog sa umaga dahil gabi ang hanap buhay
Binuksan kanyang kamay, pangkulay ay nilagay
Para ginuhit kong litrato kanyang mabigyan ng buhay
Ito ang patunay na ang isang larawan
Ay kayang isalarawan ang kwento ng buhay
Na dapat ay ihanay kasama ng pangarap
Upang maipaliwanag ang kaligayahang tunay
Hindi kayang palitan ng bagay o salipi
Ang ngiti sa pulang labing laging hanap sa gabi
Dahil wala siya sa bahay tuwing ako'y umuuwi
Kaya sinusulit nalang ang madalang na sandali, dali
CHORUS
Gusto ko sanang balikan ang aking nakaraan
Hindi para palitan, nais ko lang na mas maintindihan
Parang sulat ginagamit pang kumot
Lalo na sa gabing tahimik at walang kausap
Binabalik balikan mga litrato mo
Love, Juan. Love, Juan.
VERSE 2
Ang matang malabo tensyonado ang tingin malayo
Ang kanyang sarili kinausap binaba ang ulo
Pumatak ang luha sa paanan, pilit tinatago
Para di mukhang mahina kanyang pagkatao
Laki malapit sa usok at kadiliman
Di malaman kung sino ang pwede kung pagtiwalaan
Walang matinung kausap dalangin lang ang sandalan
Madilim mga daanan kung walang ilaw ang tahanan
Dito nahubog natoto habang nag pipigil na di
Mahulog sumuko sa kung ayaw kung gawin
Ang kusinero tinalo sa pagkapit patalim ng mga
Tao ditong gutom at madilim ang paningin
Unti-unti nang namuti kung anu ang dating maitim
Namumutla akala di ko napansin
Kung salamin ng aking mundo ang iyong mata
May parating na bagyo at ikaw ang nasa gitna, Ina
CHORUS
Gusto ko sanang balikan ang aking nakaraan
Hindi para palitan, nais ko lang na mas maintindihan
Parang sulat ginagamit pang kumot
Lalo na sa gabing tahimik at walang kausap
Binabalik balikan mga litrato mo
Love, Juan. Love, Juan.
VERSE 3
Hirap na siya bumangon nasa kama maghapon
Bihira na maglaro, hinga nalang hinahabol
Lumapit sa akin upang kanyang sabihing
Sumama ka sa iyong Lola may dapat kang makilala
Bumiyahe nang malayo, mga nangyayari malabo
Wala pa akong nakilala na matapang na hindi minsan natakot
Sumabay, di na nagisip pa Pagbaba kumatok kami sa
Bahay na ang bakod simento at ang hangin sariwa
Ako'y nagpakilala, matapos pagbuksan
Walong taong gulang na bata, ang pangalan Juan
Sayang at di ka nakilala ng mas maaga
Di natin mararanasan na buo ating pamilya, ama