Ako’y umibig ng wagas sa isang lalaking may balbas
Matipuno ang katawan mga salitang binibigkas
Mabulaklak at matamis, nakahanda na magtiis
Tila nagbagong mabilis, ihip ng hangin lumihis
Sa kulungan nagmustulang, bihag ng ‘yong kasakiman
Paniniwala na sinasampay, gumagapos sa’king kamay
Ako’y umibig ng tapat sa isang makinis ang balat
Tindig kisig kanyang tangkad, laging namamangha ang lahat
Buhok n’ya na kulay ginto, kilig na ‘di humihinto
Parang kalsadang lumiko mga pangarap ko’y bigo
Sa kulungan nagmustulang, bihag ng ‘yong karangyaan
Kaunlarang kanyang alay, gumagapos sa’king kamay
May isang lalaking marahas, pagmamahal na patalas
Pananakit na madalas, pisngi na may pasa’t gasgas
Mga mata na kay singkit tila ba nakapikit
Latay mula sa hagupit, lagi na lang nakapiit
Sa kulungan nagmustulang, bihag ng ‘yong kalupitan
Kayamanan na tinataglay, gumagapos sa’king kamay
Nagmahal ng tatlong beses umibig at nasawi
Kuting na iniligaw upang ‘di makauwi
Parang sayang sayad sa putik na ‘di maitupi
Parang sayang naman kaya sinubukan na lang uli
Nang makilala ko si Juan ay maayos naman
Akay-akay ang aking kamay pababa ng hagdan
Direcho sa mga mata pilit pinagmamasdan
Umabot sa punto na hinayaan ko na ako’y hagkan
Ibinigay ang lahat kasabay ng pag-aakala
Na ang lalaking ito ang tunay na mag-aalaga
Eto pa, siya daw ang palaging bahala
Nasan na bakit pa laging ako ang kawawa
Ibinentang parang tupa sa kung kani-kanino
Magbayad ka lang ng upa halika pwede ka dito
Inanakan ng inanakan ng mga matalino
Nakatago sa anino mabaho kahit maligo
Kinalbo n’yang aking buhok
Ang lason ay pinalunok
Ang pusong ‘di na tumitibok
Hagdan ng bahay ko’y marupok
Sinangla nyang aking ginto
Maging ang luha ko’t dugo
Parusang walang hinto
Ako’y sadya nga bang bigo
Sa kulungan nagmistulang bihag ng ‘yong kasakiman
Pagtitiwala na nakasampay, gumagapos sa’king kamay
Nakagapos ang aking kamay