Tuwing takipsilim ano't kay lungkot,
Dala ng dilim ay pagkawalang pag-asa
Lahat ng pangarap ko sa Maykapal,
Ihahatid ko sakay sa pakpak ng paruparo
Ang pag-ibig ko na kay ilap
At yakap na hindi ko malasap
Mga pangako ng buhay
Ay biglang nagwakas
Gumuhong pag-asa
Sa iyo aking sinta
Wala na, nasan ka na
Magbalik ka sana
Nais kong ibulong kay Bathala
Mga hinagpis kong wala nang patid
Tadhanang puno ng mga balakid
Magagawa ko lamang ito
Sa pakpak ng paruparo
Ang pag-ibig ko na kay ilap
At yakap na hindi ko malasap
Mga pangako ng buhay
Ay biglang nagwakas
Gumuhong pag-asa
Sa iyo aking sinta
Wala na, nasa'n ka na
Magbalik ka sana
Ang pag-ibig ko na kay ilap
At yakap na 'di ko malasap
Mga pangako ng buhay
Ay biglang nagwakas
Gumuhong pag-asa
Sa iyo aking sinta
Wala na, nasa'n ka na
Magbalik na sana...