[Verse 1]
Sa bawat pintig ng puso'y ikaw
Tanging nais ko, ika'y natatanaw
Kasama kang lagi sa bawat galaw
Kulang ang lahat 'pag hindi ikaw
[Chorus]
Sa pag-ibig mo ay naramdaman
Ang wagas at tunay na pagmamahal
Ipapangako sa'yo, iibigin kita hanggang sa kailanman
Bawat sandali, araw o gabi
Ikaw sa puso ang aking tanglaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw
[Verse 2]
Huwag mong iiwan ang pag-ibig ko
'Pag nagkagayon, mamamatay ako
Ano pa bang silbi ng buhay kong ito?
Kung malalayo ikaw sa piling ko
[Chorus]
Sa pag-ibig mo ay naramdaman
Ang wagas at tunay na pagmamahal
Ipapangako sa'yo, iibigin kita hanggang sa kailanman
Bawat sandali, araw o gabi
Ikaw sa puso ang aking tanglaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw
[Bridge]
Tanging sa piling mo naramdaman
Ang isang tunay at wagas na pagmamahal
Sa araw-araw ang tanging dasal
Ika'y kapiling ko
'Yan sa puso ang sigaw
[Chorus]
Sa pag-ibig mo ay naramdaman
Ang wagas at tunay na pagmamahal
Ipapangako sa'yo, iibigin kita hanggang sa kailanman
Bawat sandali, araw o gabi
Ikaw sa puso ang aking tanglaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw