(Verse 1) Sa Unang pag alis ko nung batang musmosin palang Kahit batikosin O kunin ng mga banyaga walang Tutol na lumisan mula sa hawlang kinalalagyan Sa ganung edad tumbang preso at hulihan lang alam Unti unti na tumubo utak puso lumago Aking nakilala katutubo't pagbibilang sa sampo Di sa pag bubuhat bangko halaga naiangat ko Lalaban kung may kwekwestyon sakin na minahal mo Ba ang bansa na 'yong iniwan paksa ngayon ay pano Papantayin mga basong nabuhos at nilamon Ng mga araw na lumipas, walang tigil kung hinipan Ang lobo upang makita san man sa globo hanapin Pinagmamalaki, hindi nagmamagaling Di mo mahanap kung di binalak mga sugat unti unting gamotin Kaya ang sarili dapat unang tanungin Pano matototonan mga ayaw alamin Balikbayan, hindi paligsahan o paramihan ng kayamanan Ito ang (Chorus) x 2 Ito and byaheng, pabalik sa amin Ilang taon man dumaan, kahit lakarin Para sa luto ni lola Kulitan ng tropa Pati magpipinsan Perlas ng Silangan
(Verse 2) Animo'y parang naka lutang mga paa kung maglakad Napa-lapit nung lumayo sa lugar na pinag mulan Wag nang pigilan ang buhanging nasa loob ng orasa Umarangkada, kilalanin si Maria Clara Ang tungkoling malalim di sa tao nanggaling Walang bantay, tagahuli, kunsensya lang sa sarili Hindi hinahabol papuri kaya salamat nalang Wala rin namang mapapala sa pag yayabang Pag pinikit mga mata dama di man lapitan Rinig at makikilala pagngiting abot sa tenga Sa halip na mangulila ay kumilos ka na tila Ang utos nilay pakilala kung anu ang dala mong bandila Habolin mga sandali hindi sa pag mamadali Dahil di kayang mabili payapang tulog sa gabi Handang sumugod at tumulong di na kelangan tanungin Respeto ko sa mga ninuno kung yun rin ang gagawin Ito ang (Chorus) x 2 Ito and byaheng, pabalik sa amin Ilang taon man dumaan, kahit lakarin Para sa luto ni lola Kulitan ng tropa Pati magpipinsan Perlas ng Silangan