Mula noong ako'y nag-umpisang maglakad
Tila may kumpas ang bawat hakbang
Natutong sumayaw sa sariling paraan
Sa bawat tugtog na alam
Hindi naman sa ako'y nagmamayabang
Kelan ma'y hindi pa natanggihan
Mahusay magdala tila napakagaan
Sa hangin parang lumulutang
Maraming kapareha na sa akin nagdaan
Pagkatapos ng tugtog nalilimutan
Ngunit ng makita siya sayawang ito
Nanlambot ang tuhod at naturete na pati paa ko.
Panaginip kita, mahal na prinsesa
Minsan sana'y makapareha
Ibibigay ko pati puso ko
Para lamang makasama ka
Makapareha ka, mahal na prinsesa
Dahan–dahan nilapitan ang dilag na ito
At mapormang isinayaw sa gitna
Umikot nang umikot at nakakahilo
Lahat ng tao'y tulala
Iisa ang kapareha sa buong magdamag
Di ko siya mapagot at hindi matagtag
Di ko maiwanan at hindi rin mabitawan
Tuloy-tuloy ang kapit
Hanggang sa mauwi na sa simbahan
Mula noong kami'y sa simbahan naglakad
Magkasama na sa araw at gabi
Mayrong mga ilang supling na ngayo'y nadagdag
Na sumasayaw na rin sa tabi…