Uso pa ba ang harana?
Marahil ika'y nagtataka
Sino ba ‘tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Mayro'n pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
Kasama pa niya ang barkada
Na nakaporma't naka-barong
Sa awit na daig pang minus-one at sing-a-long
Chorus:
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa iyong tingin ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa ‘yo
‘Di ba't parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
At ikaw ang bidang artista
At ako nama'y leading man
Sa istoryang nagwawakas
Sa pag-ibig na wagas
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa iyong tingin ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa ‘yo
Uso pa ba ang harana?
Marahil ngayon ay alam mo na
Basta't para sa ‘yo aking hirang
Kahit na magmukhang hibang
Tutupdin ang lahat, liyag
Pagka't ako'y ‘yong bihag
At mahal kita, sinta